Excited! first time ko mag outside phils. mamasyal. syempre sulitin lahat, Cathay Pacific airlines eh. sa plane palang nag kukuha na ako pictures kahit bawal. haha! yung cup na color green ginawa kong pangtakal ng bigas ngayon. oh diba, sosyal. and i remember may nagkakagulo sa 1st class banda, they taking pics sa cellphones ng mga pasanggers and stewards, yun pala si dating pangulong FVR aka. Tabako. hehe.
oh my, grabe naman dito, pag nahuli ka nag tapon at nag yosi sa bawal na lugar ayan aabutin mo... 5000HK$ thats equivalent to tumataginting na 30,000 pesos. sus maryosep!!! sa Pilipinas kakanta ka lang ng Lupang Hinirang absuwelto ka na sa pulis. hahaha. kaya sa pag stay ko sa Hong Kong for 3days. hindi talaga ako nag yosi. haha.
Kowloon Park sa likod lng ito ng hotel na pinag stayan namin. sa BP Internation, medyo parang nasa Bagiuo City lng ako lalo na yung lamig almost the same. yun nga lng malinis ang air nila dito di tulad sa session road sa Bagiuo uubohin ka na sa usok ng fx dun. pero syempre love your own country, lahat nagagawa natin, kahit uminom sa kalye. haha.
Tramway sa Victoria Peak.
Replica ng mag asawang Angelina and Brad Pitt sa wax museum sa Victoria Peak.
Idol Johnny Depp ako na kunin mong pirata.
Marilyn Monroe and the igorot na afroo!!! hahah
Avenue of the stars. haha, mukha ata akong OFW dito.
Oh ha! kahit san panig ng mundo may starbucks, di ako bumili hahaha. times 3 kaya pag convert mo sa peso. pareho lng naman ng lasa sa Pinas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento