Astig diba? mas astig kung sakin yan.Hahaha. kunwari sakin, sayang opurtunidad ma picturan ng ganyang kahabang lens ng dslr. Isang batikang photographer ang may-ari nyan na kasabay namin umakyat ng Mt. Pulag noong dec.2010. hindi kinaya ng powers ko sa lamig na inabutan kami ng 5degrees sa taas. 2 araw ako hindi nakatulog sa lamig na halos i brokeback mountain ko na ang bestfriend ko sa loob ng tent. Night trail madalas ang pag akyat namin ng ka grupo ko na SAW aka. Strike Any Where. 2 araw namin kinuha ang ambangeg to akiki trail. astig yun diba...
Ayan sa wakas! nasa highest peak na kami ng Mt. Pulag at nag papahinga. ang sarap ng pakiramdam pag nasa itaas ng mundo. lahat ng pagod at hirap mo nawawala pag nasa itaas ka na. ito'y nasa taas na 2,922 meters above sea level.
Bestfriend james! bilisan mo dyan.
Dito sumakit paa ko sa pag baba ng Akiki trail. parang walang katapusang bundok ang binaba namin sa layo at tarik nito. nalaman ko lng pagdating namin sa ranger station, difficult route pala itong trail na ito. kaya naman pala halos paltusin na ang palad ng paa ko.




Walang komento:
Mag-post ng isang Komento