
1:30pm oras na para pumunta sa audio visual room at mag record ng kanta namin para sa Christmas party sa darating na Decembre 09, 2011 friday. Excited at confident ako at dali daling nagtungo dun. First time ko mag recording sa talang buhay ko. Isa kasi ako sa napalad na napiling mag mc sa gaganaping party. kailangan daw kasing may song number ako bilang mc sa Christmas party. Di ko lubos maisip na may tinatago pa pala akong talento sa pagkanta. prinaktis ko ng tatlong beses bago mag take ng record, at nagulat silang mga ka grupo ko dahil unang salang palang sa pag insayo ay kuha ko na daw agad ang tiempo ng kanta. Hindi ko na naramdamang ma nerbiyos dahil siguro sa sobrang kapal ng mukha ko sa mga bagay na tulad nito, at nangyari na nga ang inaasahan ko, first take ang dalawang kanta na nai record para sakin. buti na lang at ganun nangyari dahil aasarin ka ng ka grupo mo kung mali mali ang tiempo mo sa pag kanta at pagtatawanan pa nila. para akong new born pag labas ng recording room. mabuti na lang nanonood ako ng showtime pag sabado, dahil kabisado ko ang lyrics ng kanta. Salamat showtime!!!